Words and Music by:
A. Abanador
Intro: AM7–EM7–F#m7–A-B (2x)
l
Dahan-dahan lang, wag mo nang ipilit,
mali ang yong iniisip.
Walang magagawa, ako’y naiinip,
sa hanganan ay sasapit.
Chorus: AM7–C#m7–D–B (2x)
Itigil na nga itong larong walang saysay,
tumatanda ang oras naiinip, naghihintay.
l l
Wag mag tataka, pagkat sadyang ganyan,
lahat sila’y di kailangan.
Umasa sa wala, maiinis ka lang,
mabuti pa’y kalimutan.
Chorus l l
Hawakan mo ang mundo sa yong mga kamay,
hayaang umapaw ang damdaming di mapagbigyan.
l l l
Sang dipang hakbang, lumakad ng marahan,
hindi mo ba nalalaman?
Walang naririnig, sumisigaw ang isip,
sarili ay pinipilit.
Chorus l l l
Sang sulok ng isip mo’y doon minsan nanahan.
Sigaw ng isipa’y di mo magawang pigilan.
Adlib: AM7–EM7–F#m7–A-B (2x)
AM7–C#m7–D–B (2x)
l V
Dahan-dahan lang, wag mo na ipilit,
mali ang yong iniisip.
Lahat mawawala, maging ang panahon,
naiinip ang kahapon.
Chorus l V
Wag kang umasa sa isang bigong pangako,
ulit-ulitin ma’y wala ring magbabago.
(do intro chords till fade)
0 Responses to “INIP”
Leave a Reply